June 7th, 2006 by hunyango
Kani-kanina lang nanonood ako ng National Geographic Specials and ang feature nila ay yung Raiders of the Lost Gold: Yamashita, naalala ko tuloy ang mga araw ko sa Cabuyao, Laguna (2002~2005). Parang ang hirap isipin na connected, pero meron, baka isipin nyo na minsan ay sinubukan ko maghukay hukay sa bakuran ng apartment para maghanap ng ginto, pero meron connection talaga, at historical pa ito. Tumira ako dun sa isang barangay na ang tawag ay San Isidro. San Isidro is located between Mamatid and Pulo, maliit na Baranggay ito, kapag iniisip ko, parang isang mahabang kalsada lang ang San Isidro na may mga kabahayan sa gilid. Sa likod ng mga bahay, mga
bakanteng lote na o mga taniman ng palay. Sa umaga madaming dumadaan na sasakyan dito, alternate route kasi sya ng mga galing sa Mamatid na gustong makalabas papunta ng SLEX. Sa gabi malamig at mahangin, gawa ng mga puno at halaman at dahil malapit sya sa Laguna lake. Makasaysayan ang San Isidro, dahil dito ikinulong si Yamashita (at si Gen. Honma) pagkatapos ng WW2 bago sya ibitay. Naisip ko din kanina, tatlong taon din pala ako hindi nanood ng TV sa Cabuyao, meron ako TV pero ang antenna ko lang ay rabbit at hindi na ako nag asam na magpa-cable. Madami akong napalampas na palabas, hindi ko na witness ang Endless Love sa Channel 7, ang unang Pinoy Big Brother sa Channel 2 at iba pa. Ang tagal ko din pala nagkunwari na alam ang pinagkukuwentuhan ng mga kausap ko, hehe. Magaling pala ako magkunwari! Parang nagising si Yamashita at ipinaalala sa akin ang mga araw sa baranggay na tinirahan ko kung saan nya inubos at binilang ang mga nalalabing oras nya bago bitayin, sa pamamagitan ng TV, na hindi ko ginamit nung nandoon pa ako. May epekto ba ang hindi ko pagpapanood ng TV regularly ng tatlong taon? Sa tingin ko meron. Tumangkad ako, o lumiit lang lahat ng tao, alin dun sa dalawa, hindi ko alam. Inaantok na ako.
Posted in Uncategorized | No Comments »
June 1st, 2006 by hunyango
Finally dumating na rin ang PC ko and naka
setup na. It got here last Tuesday and had to buy a lot of things para lang ma-setup. I slept 3am that day because I had to download tons of Windows updates. Then Wednesday I had to transfer the PC and re-setup to another place in my room kasi di aabot yung network cable, I finished everything at 2am. And Thursday night, actually Friday morning na, I’m still awake!!! 1:39am!!! Ngayon lang siguro ako naging ganito since first time na ma-inlove ako, grade six. Di ako makatulog nun. Hehe. Speaking off, I got an email a few days ago from namesdatabase.com and in the list of new database names, I saw her name, yung crush ko nung elementary. Grade six ako nun, grade 5 sya. In the database it shows that she’s now 30, and married. I never really spoke to her personally, lagi ako may tulay. Torpedo. Then I graduated elementary and never saw her again. Back in college, siguro mga 4th year na ako nun, nakasalubong ko sya sa may Dapitan, I instantly knew it was her (although alam ko na same school din kami). Then I let the moment pass. No words, no greetings, kaway o kaya kindat. Tingin lang. A few steps further I heard her saying "si ano yun ah …" to her friend. And I just kept on walking, I never looked back. I considered myself lucky. I was given a "second chance" to say something, or talk to her personally. But I let it pass by. The email from namesdatabase was just a reminder, of that moment. And what I should do, if I get a second chance on things that I failed on the first try. If that second chance ever comes.
Posted in Uncategorized | 4 Comments »
May 30th, 2006 by hunyango
Five months na nga pala ako sa Singapore bukas. Madami nang nangyari at parang ang bagal ng oras. Wala kasi ako masyado ginagawa, hehe. Sabi ng boss ko (si KL) malapit na raw ako magkaroon ng sarili kong projects, tatlong buwan ko na siguro naririnig ito. Naiintindihan ko naman kasi maraming projects ang naka-cancel. At hindi lang ako ang nababagalan sa oras at naiinip, madami kaming walang project. Kakabahan ba dapat ako? Hehe. Ok na rin kasi kahit paano nakapag simula na ako dito. Kailangan ko na lang ipagpatuloy. Laban na toh!!!
Posted in Uncategorized | 1 Comment »
May 28th, 2006 by hunyango
Blog. Blog. Blog. What’s the fuss about? Dami na nagba-blog ngayon pero ako eto naghahabol at sinusubukan magsimula ng sarili ko. Para saan ba ang blog, ang interpretation ko ay para itong isang forum na ikaw lang ang pwedeng magsalita, at lahat ay magbabasa lang, pwede ba kayo mag comment? Ayus ‘toh. Hehe. Actually, dito sa Singapore sikat ang pag-blog, sa katunayan nga last year meron nakulong na dalawang teen agers dahil sa pag post ng racist comments sa isang blog site. Isa sigurong dahilan sa pag start ko ng blog ay dadating na kasi ang PC na inorder ko sa Dell, di ko nga alam kung kelan pero sabi sa email na sinend nila ay within 5-7 days, so within this week. Kasi pag dating ng PC, malamang wala pa ako magagawa dun dahil walang naka install, mahal ang software dito at bawal ang pirated (delikado, meron din nakukulong dahil sa pag gamit ng pirated dito, pwedeng lumusot, pero wag na lang). Di rin naman kasi ako mahilig mag-chat, at sawa na ako tignan ang sarili ko sa webcam. Nung isang araw nga nag iisip na ako ng mga topics na pwede ko gamitin, naisip ko na I need to focus on one topic then just report/write about the progress from time to time, malamang hindi ko kaya gawin ng daily. Naisip ko gawin kong topic ang mga kuko ko sa paa: kung gaano sya kabilis humaba at kung ano anong mga bagay ang makikita sa ilalim nito. Hmmm. Kaya lang medyo mahaba na ang mga kuko ko sa paa, kaya sayang naman kung eto ang sisimulan ko. Bagong ahit nga pala ako, so pwede ito. Pag iisipan ko. Mas maganda pala kapag may picture noh? Next time lalagyan ko na ng pictures, kapag dumating na yung PC ko. Mahirap kasi mag picture ng paa dito sa internet-shop eh. At baka sumikat ang blog ko dahil sa paa. Yung mukha ko wala na pakialam ang mga tao.
(repost na nga pala ito: nawala yung original text kasi hindi ko na save. haay)
Posted in Uncategorized | No Comments »