Sariling Paraiso
Ano ang tawag sa taong hindi busy? Walang ginagawa? O tamad? Meron pa siguro isang tawag sa taong hindi busy. Yung may sariling mundo. Yung tao na naging manhid sa mga nangyayari sa paligid, na nabubuhay sa isang maliit na paraiso sa kanyang isip. Palaging nakangiti, kahit mag isa lang at kahit walang kasama o kausap. Eto ang mga taong kayang paligayahin ang sarili. Ngayong araw na ito ang pinaka-busy kong araw. Nawala na yung maliit kong paraiso. Nawala na yung mundong ginagalawan ko na ginawa ng aking isip. Ngayon ko lang nakita ang aking paligid, at napansin ang bilis ng buhay. Ang dami na palang nagbago. Ang dami na palang kailangang gawin. Ang dami na pala kailangan habulin. Matutuo din ako mabuhay sa labas ng paraiso. Unti-unti. Hindi na siguro ako makakabalik muli. Dahil ang mga bagay na nasa isip ay madalas nakakalimutan. Pero ang mga bagay na nasa puso ay hindi mabibitawan. Dun na lang sya mamamalagi. Wala na ang aking sariling mundo.