Archive for July, 2006

Sariling Paraiso

Thursday, July 20th, 2006

Blue_hillsAno ang tawag sa taong hindi busy? Walang ginagawa? O tamad? Meron pa siguro isang tawag sa taong hindi busy. Yung may sariling mundo. Yung tao na naging manhid sa mga nangyayari sa paligid, na nabubuhay sa isang maliit na paraiso sa kanyang isip. Palaging nakangiti, kahit mag isa lang at kahit walang kasama o kausap. Eto ang mga taong kayang paligayahin ang sarili. Ngayong araw na ito ang pinaka-busy kong araw. Nawala na yung maliit kong paraiso. Nawala na yung mundong ginagalawan ko na ginawa ng aking isip. Ngayon ko lang nakita ang aking paligid, at napansin ang bilis ng buhay. Ang dami na palang nagbago. Ang dami na palang kailangang gawin. Ang dami na pala kailangan habulin. Matutuo din ako mabuhay sa labas ng paraiso. Unti-unti. Hindi na siguro ako makakabalik muli. Dahil ang mga bagay na nasa isip ay madalas nakakalimutan. Pero ang mga bagay na nasa puso ay hindi mabibitawan. Dun na lang sya mamamalagi. Wala na ang aking sariling mundo.

Narda

Friday, July 14th, 2006

tila ibon kung lumipad; sumabay sa hangin ako’y napatingin; sa dalagang nababalot ng hiwaga; mapansin kaya sa dami ng yong ginagawa; kung kaagaw ko ang lahat
may pagasa bang makilala ka; awit na nanawagan baka sakaling napakikingan; pagibig na palaisipan sa kanta nalang kita idadaan; nagaabang sa langit; sa mga ulap sumisilip; sa likod ng mga tala; kahit sulyap lang darna; ang swerte nga naman ni ding; lagi ka nyang kapiling kung ako sa kanya niligawan na kita; mapansin kaya sa dami ng yong ginagawa; kung kaagaw ko ang lahat; may pagasa bang makilala ka; awit na nanawagan baka sakaling napakikingan; pagibig na palaisipan sa kanta nalang kita idadaan; nagaabang sa langit; sa mga ulap sumisilip; sa likod ng mga tala; kahit sulyap lang darna

tumalon kaya ako sa bangin para lang iyong sagipin; ito ang tanging paraan para mayakap ka; darating kaya sa dami ng ginagawa; kung kaagaw ko sila paano na kaya.

Burger King and The Exorcism of Emily Rose

Sunday, July 2nd, 2006

Screenhunter_002 Bulag. Hanggang ngayon. Ilang araw na ako sinusundan ng mga bulag. Kahapon nasa Burger King ako para maghapunan. Pag pasok ko sa loob ay dumiretso kaagad ako sa counter, di na ako naghanap ng mauupuan kasi sabi ko sa sarili ko, magkakaroon din yan ng bakante. Kailangan makaorder muna ako, at wala din naman ako kasama para bantayan ang bakanteng upuan. Sa loob ay meron dalawang bulag na naka-upo at nag uusap. Napansin ko sila kaagad, kita mo na bulag sila dahil meron sila parehong dalang walking stick at pag tinignan mo ng mabuti, mapapansin mo na wala na ang kanilang mga mata sa kinalalagyan. Bakante. Ano kaya ang naging dahilan ng pagkawala ng kanilang mga mata? Humarap na ako sa cashier at umorder. Habang inaayos nung cashier attendant yung order ko, meron nakakuha ng attention ko … meron sumisigaw ng "hello, can I have some plain water,  please … hello …" paulit ulit. Yung isang bulag ay humihingi ng tubig. Nung una, walang kumikilos, siguro naghihintayan kung sino ang mag initiate na magbigay ng tubig sa kanila. Nakailang ulit nya sinisigaw ito at maya-maya ay lumapit na yung store manager para abutan silang dalawa ng tig isang baso ng plain water. Dumating na yung order ko at nakalimutan ko na silang dalawa. Umuwi na kaagad ako pagkatapos kumain. Kanina, nanood ako ng DVD ng The Exorcism of Emily Rose. Eto ang synopsis from Yahoo Movies "In an extremely rare decision, the Catholic Church officially recognized the demonic possession of a 19-year-old college freshman. A lawyer takes on a negligent homicide case involving a priest who performed the exorcism that resulted in the girl’s death." After the movie, naisip ko yung nakita ko kahapon. Hindi dahil sa medyo nakakaantig ang itsura ng isang tao na wala ng mata at parang nai-konek ng isip ko yung mga imahe nila sa isang exorcism movie, pero dahil sa sinabi nung isa sa mga characters sa movie: "I am a person of doubt … but we are talking of possibilities here, if we would only base our actions, decisions on facts, then there are no opportunities for possibilities." Without doubt. There is no opportunity for faith. Naisip ko yung dalawang bulag na nakita ko kahapon. They live their lives on faith. I think it is Screenhunter_001_1normal for us to doubt what we can not see. And in their case, they don’t see anything at all. They rely more on faith (and the other senses). But they have limited capability to establish fact compared to us who can see. They must doubt everyday. I tried to imagine myself as the one who was sitting there yesterday at Burger King asking for plain water, with my eyeballs removed. I would have done the same thing. Voice out for help. To who? I don’t know. Whoever would offer. But I don’t need to have my eyeballs removed. I am already blind. I can’t see God. I think all of us haven’t. We just call out to Him in faith. Somehow, yesterday, Burger King was heaven. The store manager was God. And I was the blind man looking on.