Walang TV

Screenhunter_001 Kani-kanina lang nanonood ako ng National Geographic Specials and ang feature nila ay yung Raiders of the Lost Gold: Yamashita, naalala ko tuloy ang mga araw ko sa Cabuyao, Laguna (2002~2005). Parang ang hirap isipin na connected, pero meron, baka isipin nyo na minsan ay sinubukan ko maghukay hukay sa bakuran ng apartment para maghanap ng ginto, pero meron connection talaga, at historical pa ito. Tumira ako dun sa isang barangay na ang tawag ay San Isidro. San Isidro is located between Mamatid and Pulo, maliit na Baranggay ito, kapag iniisip ko, parang isang mahabang kalsada lang ang San Isidro na may mga kabahayan sa gilid. Sa likod ng mga bahay, mga Photostogot471717_1bakanteng lote na o mga taniman ng palay. Sa umaga madaming dumadaan na sasakyan dito, alternate route kasi sya ng mga galing sa Mamatid na gustong makalabas papunta ng SLEX. Sa gabi malamig at mahangin, gawa ng mga puno at halaman at dahil malapit sya sa Laguna lake. Makasaysayan ang San Isidro, dahil dito ikinulong si Yamashita (at si Gen. Honma) pagkatapos ng WW2 bago sya ibitay. Naisip ko din kanina, tatlong taon din pala ako hindi nanood ng TV sa Cabuyao, meron ako TV pero ang antenna ko lang ay rabbit at hindi na ako nag asam na magpa-cable. Madami akong napalampas na palabas, hindi ko na witness ang Endless Love sa Channel 7, ang unang Pinoy Big Brother sa Channel 2 at iba pa. Ang tagal ko din pala nagkunwari na alam ang pinagkukuwentuhan ng mga kausap ko, hehe. Magaling pala ako magkunwari! Parang nagising si Yamashita at ipinaalala sa akin ang mga araw sa baranggay na tinirahan ko kung saan nya inubos at binilang ang mga nalalabing oras nya bago bitayin, sa pamamagitan ng TV, na hindi ko ginamit nung nandoon pa ako. May epekto ba ang hindi ko pagpapanood ng TV regularly ng tatlong taon? Sa tingin ko meron. Tumangkad ako, o lumiit lang lahat ng tao, alin dun sa dalawa, hindi ko alam. Inaantok na ako.

Leave a Reply