Magazine, Eh!!!
Alam nyo na siguro yung joke na nagtatanong kung ano ang tunog ng tren sa Ilocos diba? "dijay, dijay, dijay, dijay, dijay ….", eh yung tren na papunta ng Batangas? "chug-chug eh! chug-chug eh! chug-chug eh! chug-chug eh! …" hehehe. Ayus sa trip. Eto ang kakaiba, nakakita ako ng magazine sa Malaysia na ang pangalan ay Eh! Hindi ako Batangueno pero marami akong kilala na mahilig mag eh. Sa Malaysia, magazine ito. Eh! Alam ko merong "E!" na magazine sa US, local verion nito ang Eh! Eh talaga sya, wala sya acronym. Ayus eh.