Hoy!!! Bulag ka ba?!

520029_aviatorsKung hindi ka nahirapan basahin ang title ng blog na ito, malamang hindi ka bulag. Kanina meron na naman akong nakitang bulag sa daan. Hindi lalampas ang araw ko dito ng hindi ako nakakakita ng bulag sa maghapon. Meron bulag na tumatawid ng kalsada, meron bulag na naghihintay ng bus, meron bulag sa mga opisinia. Hindi ito yung mga tao na hindi tumitingin sa dinadaanan at nadadapa o ang mga taong bulag sa pakiramdam (kung merong ganung expression). Ang mga bulag na nakikita ko ay yung mga bulag talaga, blind, no sense of sight, hindi nakakakita. Dito sa Singapore empowered ang mga disabled, hindi sila pinapabayaan hindi lang ng pamahalaan kundi kahit ng mga mamamayan. Inaalalayan sila sa pagsakay sa bus, hinahatid ng mga taong hindi kilala sa station ng MRT, nirerespeto ang upuan na nakalaan para sa mga disabled at binibigyan ng trabaho. Kanina rin nanonood ako ng TV patrol at nakakalungkot isipin na sa atin ay hindi naaalagaan ang mga bulag natin tulad dito. Kwento nga ng isang disabled na ininterview kanina, madalas daw ay nahihirapan sya sumakay dahil walang gustong pumara sa kanyang sasakyan, kaya nagtatyaga na lang silang maglakad o mag wheelchair. Bilib din ako sa lakas ng loob nila. May experience na rin ako sa pagtulong sa mga bulag dito, kadalasan yung mga nagpapahatid lang sa bus station at nagpapasakay sa bus. Pero ang hindi ko makakalimutan na experience sa bulag ay noong 10 days pa lang ako dito sa Singapore (nung January 2006). Nung mga panahon na yun ay tumutuloy ako sa hotel, hindi pa kasi ako nakakalipat dito sa tinitirahan ko ngayon at sagot naman ng company. Araw-araw pagkauwi sa trabaho, dadaan muna ako sa may tabi ng swimming pool at magpapahinga (magsisigarilyo, o iinom ng juice). Isa lang ang entrance papunta ng swimming pool kapag galing ka sa lobby, dito lahat dumadaan ng tao papunta at palabas ng pool area. Isang araw, as usual pagkauwi ko, tumambay muna ako dun at nagpahinga, pagkatapos ay nag decide na ako umakyat papunta ng kwarto ko. Paglabas ko ng pinto ng pool area, sa harap ko ay meron isang tao na may tungkod at shades. Bulag sya. At pinauna nya muna ako Cb025376lumabas. Ang reaction ko ay tulungan sya at ipagbukas sya ng pinto, sinabihan ko pa sya na "the door is open sir, and look out for the steps". Nag thank you naman sya. Nung nasa elevator ako, naisip ko, saan pupunta yung bulag at ang unang pumasok sa isip ko ay CR. Wala naman CR sa pool area. Meron CR sa tabi ng pinto  papunta ng pool area. Hindi na ako nagkaroon ng initiative na balikan yung bulag at tignan kung anong nangyari sa kanya. Inisip ko na lang na meron taong kakasag kasag sa tubig sa may swimming pool, na naka shades at may dalang tungkod. Pero bumabawi naman ako ngayon. Kung may pagkakataon na makatulong ako sa kanila, tumutulong ako. Empowered. May mga trabaho, nakakalabas ng bahay ng mag isa, nabubuhay ng katulad natin. Yan ang mga bulag ng Singapore. Hindi ko lang alam kung marunong din silang lumangoy.

Leave a Reply