Topics

Blog. Blog. Blog. What’s the fuss about? Dami na nagba-blog ngayon pero ako eto naghahabol at sinusubukan magsimula ng sarili ko. Para saan ba ang blog, ang interpretation ko ay para itong isang forum na ikaw lang ang pwedeng magsalita, at lahat ay magbabasa lang, pwede ba kayo mag comment? Ayus ‘toh. Hehe. Actually, dito sa Singapore sikat ang pag-blog, sa katunayan nga last year meron nakulong na dalawang teen agers dahil sa pag post ng racist comments sa isang blog site. Isa sigurong dahilan sa pag start ko ng blog ay dadating na kasi ang PC na inorder ko sa Dell, di ko nga alam kung kelan pero sabi sa email na sinend nila ay within 5-7 days, so within this week. Kasi pag dating ng PC, malamang wala pa ako magagawa dun dahil walang naka install, mahal ang software dito at bawal ang pirated (delikado, meron din nakukulong dahil sa pag gamit ng pirated dito, pwedeng lumusot, pero wag na lang). Di rin naman kasi ako mahilig mag-chat, at sawa na ako tignan ang sarili ko sa webcam. Nung isang araw nga nag iisip na ako ng mga topics na pwede ko gamitin, naisip ko na I need to focus on one topic then just report/write about the progress from time to time, malamang hindi ko kaya gawin ng daily. Naisip ko gawin kong topic ang mga kuko ko sa paa: kung gaano sya kabilis humaba at kung ano anong mga bagay ang makikita sa ilalim nito. Hmmm. Kaya lang medyo mahaba na ang mga kuko ko sa paa, kaya sayang naman kung eto ang sisimulan ko. Bagong ahit nga pala ako, so pwede ito. Pag iisipan ko. Mas maganda pala kapag may picture noh? Next time lalagyan ko na ng pictures, kapag dumating na yung PC ko. Mahirap kasi mag picture ng paa dito sa internet-shop eh. At baka sumikat ang blog ko dahil sa paa. Yung mukha ko wala na pakialam ang mga tao.

Foot903653

(repost na nga pala ito: nawala yung original text kasi hindi ko na save. haay)

Leave a Reply